Mga Bilang 21

Kaya naagaw ng mga Israelita ang lahat ng lungsod ng mga Amoreo at tinirhan nila ito, pati ang Hesbon at ang lahat ng mga bayang nasa paligid nito.

Numbers 21:25 (UKJV) And Israel took all these cities: and Israel dwelt in all the cities of the Amorites, in Heshbon, and in all the villages thereof.

23Ngunit hindi pumayag si Sihon na dumaan ang mga Israelita sa kanyang teritoryo. Sa halip, tinipon niya ang kanyang mga sundalo at nagpunta sila sa disyerto para salakayin ang mga Israelita. Pagdating nila sa Jahaz, nakipaglaban sila sa mga Israelita.

24Subalit pinagpapatay sila ng mga Israelita, at inagaw ang kanilang lupain mula sa Arnon papunta sa Ilog Jaboc. Ngunit hanggang sa hangganan lang sila ng lupain ng mga Amonita dahil ang kanilang hangganan ay napapaderan.

25Kaya naagaw ng mga Israelita ang lahat ng lungsod ng mga Amoreo at tinirhan nila ito, pati ang Hesbon at ang lahat ng mga bayang nasa paligid nito.

26Ang Hesbon ang kabisera ng lungsod ni Sihon na hari ng mga Amoreo. Natalo niya noon ang isang hari ng Moab at inagaw niya ang lahat ng lupain nito hanggang sa Arnon.

27Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi ng mga makata na, “Pumunta kayo sa Hesbon, ang lungsod ni Sihon, at muli ninyo itong ipatayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.