24Subalit pinagpapatay sila ng mga Israelita, at inagaw ang kanilang lupain mula sa Arnon papunta sa Ilog Jaboc. Ngunit hanggang sa hangganan lang sila ng lupain ng mga Amonita dahil ang kanilang hangganan ay napapaderan.
25Kaya naagaw ng mga Israelita ang lahat ng lungsod ng mga Amoreo at tinirhan nila ito, pati ang Hesbon at ang lahat ng mga bayang nasa paligid nito.
26Ang Hesbon ang kabisera ng lungsod ni Sihon na hari ng mga Amoreo. Natalo niya noon ang isang hari ng Moab at inagaw niya ang lahat ng lupain nito hanggang sa Arnon.
27Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi ng mga makata na, “Pumunta kayo sa Hesbon, ang lungsod ni Sihon, at muli ninyo itong ipatayo.
28“Noon, sumasalakay ang mga sundalo ng Hesbon katulad ng naglalagablab na apoy at lumamon sa bayan ng Ar na sakop ng Moab at sumira sa mataas na lugar ng Arnon.