26Ang Hesbon ang kabisera ng lungsod ni Sihon na hari ng mga Amoreo. Natalo niya noon ang isang hari ng Moab at inagaw niya ang lahat ng lupain nito hanggang sa Arnon.
27Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi ng mga makata na, “Pumunta kayo sa Hesbon, ang lungsod ni Sihon, at muli ninyo itong ipatayo.
28“Noon, sumasalakay ang mga sundalo ng Hesbon katulad ng naglalagablab na apoy at lumamon sa bayan ng Ar na sakop ng Moab at sumira sa mataas na lugar ng Arnon.
29Nakakaawa kayong mga taga-Moab! Bumagsak kayong mga sumasamba sa diyos na si Cemos. Kayong mga anak niya ay pinabayaan niyang mabihag ni Sihon na hari ng Amoreo.
30“Ngunit ngayoʼy pinabagsak na namin ang mga Amoreo. Nagiba ang lungsod ng Hesbon, pati ang Dibon, Nofa at Medeba.”