Mga Bilang 21

Pagkatapos, nagpadala si Moises ng mga espiya sa Jazer, at kinalaunaʼy nasakop nila ang mga baryo nito at pinaalis ang mga Amoreo na naninirahan doon.

Numbers 21:32 (UKJV) And Moses sent to spy out Jaazer, and they took the villages thereof, and drove out the Amorites that were there.

30“Ngunit ngayoʼy pinabagsak na namin ang mga Amoreo. Nagiba ang lungsod ng Hesbon, pati ang Dibon, Nofa at Medeba.”

31Kaya nanirahan ang mga Israelita sa lupain ng mga Amoreo.

32Pagkatapos, nagpadala si Moises ng mga espiya sa Jazer, at kinalaunaʼy nasakop nila ang mga baryo nito at pinaalis ang mga Amoreo na naninirahan doon.

33Pagkatapos, nagpunta naman sila sa Bashan, ngunit sinalakay sila ni Haring Og ng Bashan at ng lahat ng mga sundalo nito doon sa Edrei.

34Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Huwag kang matakot sa kanya dahil tiyak na ibibigay ko siya at ang kanyang mga sundalo sa iyo, pati ang kanyang lupain. Gagawin mo sa kanya ang ginawa mo kay Sihon na hari ng mga Amoreo, na naghari sa Hesbon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.