29Nakakaawa kayong mga taga-Moab! Bumagsak kayong mga sumasamba sa diyos na si Cemos. Kayong mga anak niya ay pinabayaan niyang mabihag ni Sihon na hari ng Amoreo.
30“Ngunit ngayoʼy pinabagsak na namin ang mga Amoreo. Nagiba ang lungsod ng Hesbon, pati ang Dibon, Nofa at Medeba.”
31Kaya nanirahan ang mga Israelita sa lupain ng mga Amoreo.
32Pagkatapos, nagpadala si Moises ng mga espiya sa Jazer, at kinalaunaʼy nasakop nila ang mga baryo nito at pinaalis ang mga Amoreo na naninirahan doon.
33Pagkatapos, nagpunta naman sila sa Bashan, ngunit sinalakay sila ni Haring Og ng Bashan at ng lahat ng mga sundalo nito doon sa Edrei.