8At sinabi ni Balaam sa kanila, “Dito na lang kayo matulog ngayong gabi at sasabihin ko sa inyo bukas kung ano ang sasabihin ng Panginoon sa akin.” Kaya doon natulog ang mga pinuno ng Moab.
9Nagtanong ang Diyos kay Balaam, “Sino ang mga taong ito na kasama mo?”
10Sumagot si Balaam sa Diyos, “Sila po ang mga mensaherong isinugo ni Haring Balak ng Moab, na anak ni Zipor. Ganito ang kanyang mensahe:
11May mga taong nanggaling sa Ehipto at masyado silang marami. Kaya pumunta ka rito at sumpain ang mga taong ito para sa akin dahil baka matalo ko sila at maitaboy palayo.”
12Ngunit sinabi ng Diyos kay Balaam, “Huwag kang sasáma sa kanila. At huwag mong isusumpa ang mga taong sinasabi nila, dahil pinagpala ko ang mga iyon.”