11May mga taong nanggaling sa Ehipto at masyado silang marami. Kaya pumunta ka rito at sumpain ang mga taong ito para sa akin dahil baka matalo ko sila at maitaboy palayo.”
12Ngunit sinabi ng Diyos kay Balaam, “Huwag kang sasáma sa kanila. At huwag mong isusumpa ang mga taong sinasabi nila, dahil pinagpala ko ang mga iyon.”
13Paggising ni Balaam kinaumagahan, sinabihan niya ang mga pinuno ni Balak, “Umuwi na lang kayo sa inyong bansa dahil hindi pumayag ang Panginoon na sumáma ako sa inyo.”
14Kaya umuwi ang mga pinuno ng Moab at pumunta kay Balak at sinabi, “Ayaw sumáma ni Balaam sa amin.”
15Kaya muling nagpadala si Balak ng mga pinuno na mas marami at mas marangal pa sa nauna.