13Paggising ni Balaam kinaumagahan, sinabihan niya ang mga pinuno ni Balak, “Umuwi na lang kayo sa inyong bansa dahil hindi pumayag ang Panginoon na sumáma ako sa inyo.”
14Kaya umuwi ang mga pinuno ng Moab at pumunta kay Balak at sinabi, “Ayaw sumáma ni Balaam sa amin.”
15Kaya muling nagpadala si Balak ng mga pinuno na mas marami at mas marangal pa sa nauna.
16Pumunta sila kay Balaam at sinabi: “Ito ang ipinasasabi ni Balak na anak ni Zipor: Huwag mong payagan na may humadlang sa pagpunta mo rito.
17Babayaran kita nang malaki at gagawin ko ang anumang gustuhin mo. Kaya, pumunta ka na rito at sumpain ang mga taong ito para sa akin.”