Mga Bilang 22

Babayaran kita nang malaki at gagawin ko ang anumang gustuhin mo. Kaya, pumunta ka na rito at sumpain ang mga taong ito para sa akin.”

Numbers 22:17 (UKJV) For I will promote you unto very great honour, and I will do whatsoever you says unto me: come therefore, I pray you, curse me this people.

15Kaya muling nagpadala si Balak ng mga pinuno na mas marami at mas marangal pa sa nauna.

16Pumunta sila kay Balaam at sinabi: “Ito ang ipinasasabi ni Balak na anak ni Zipor: Huwag mong payagan na may humadlang sa pagpunta mo rito.

17Babayaran kita nang malaki at gagawin ko ang anumang gustuhin mo. Kaya, pumunta ka na rito at sumpain ang mga taong ito para sa akin.”

18Ngunit sumagot si Balaam sa kanila, “Kahit na ibigay pa ni Balak sa akin ang palasyo niyang puno ng pilak at ginto, hindi ko magagawang suwayin ang utos ng Panginoon na aking Diyos, kahit na sa malaki o maliit lang na bagay.

19Kaya dito na lang muna kayo matulog ngayong gabi katulad ng ginawa ng iba ninyong mga kasama dahil baka may iba pang sabihin ang Panginoon sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.