Mga Bilang 22

Kaya dito na lang muna kayo matulog ngayong gabi katulad ng ginawa ng iba ninyong mga kasama dahil baka may iba pang sabihin ang Panginoon sa akin.”

Numbers 22:19 (UKJV) Now therefore, I pray you, tarry all of you also here this night, that I may know what the LORD will say unto me more.

17Babayaran kita nang malaki at gagawin ko ang anumang gustuhin mo. Kaya, pumunta ka na rito at sumpain ang mga taong ito para sa akin.”

18Ngunit sumagot si Balaam sa kanila, “Kahit na ibigay pa ni Balak sa akin ang palasyo niyang puno ng pilak at ginto, hindi ko magagawang suwayin ang utos ng Panginoon na aking Diyos, kahit na sa malaki o maliit lang na bagay.

19Kaya dito na lang muna kayo matulog ngayong gabi katulad ng ginawa ng iba ninyong mga kasama dahil baka may iba pang sabihin ang Panginoon sa akin.”

20Noong gabing iyon, sinabi ng Diyos kay Balaam, “Pumunta rito ang mga taong ito para tawagin ka, sumáma ka na lang sa kanila, ngunit ang mga sasabihin ko lang sa iyo ang gawin mo.”

21Kaya kinaumagahan, inihanda ni Balaam ang kanyang asno at sumáma sa mga pinuno ng Moab

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.