21Kaya kinaumagahan, inihanda ni Balaam ang kanyang asno at sumáma sa mga pinuno ng Moab
22kasama ang kanyang dalawang katulong. Ngunit habang naglalakbay si Balaam, nagalit ang Panginoon, kaya hinarang siya ng anghel ng Panginoon sa daan.
23Pagkakita ng asno na nakatayo ang anghel ng Panginoon sa daan na may hawak na espada, lumihis ng daan ang asno at nagpunta sa bukid. Kaya pinalo ito ni Balaam at pinabalik sa daan.
24Pagkatapos, tumayo ang anghel ng Panginoon sa makitid na daan sa gitna ng dalawang pader ng mga ubasan.
25Pagkakita ng asno sa anghel ng Panginoon, sumiksik siya sa pader at naipit ang paa ni Balaam sa pader kaya pinalo na naman ito ni Balaam.