Mga Bilang 22

Sinabi ni Balaam sa anghel ng Panginoon, “Nagkasala po ako! Hindi ko alam na nakatayo pala kayo diyan sa daan para harangan ako. Kung masama para sa inyong magpatuloy ako, uuwi na lang po ako.”

Numbers 22:34 (UKJV) And Balaam said unto the angel of the LORD, I have sinned; for I knew not that you stood in the way against me: now therefore, if it displease you, I will get me back again.

32Nagtanong sa kanya ang anghel ng Panginoon, “Bakit mo ba pinalo ang asno mo ng tatlong beses? Nandito ako para harangan ka dahil masama sa aking paningin ang inasal mo.

33Nakita ako ng iyong asno at umiwas siya sa akin ng tatlong beses. Kung hindi siya umiwas sa akin, pinatay na sana kita at pinabayaang mabuhay ang iyong asno.”

34Sinabi ni Balaam sa anghel ng Panginoon, “Nagkasala po ako! Hindi ko alam na nakatayo pala kayo diyan sa daan para harangan ako. Kung masama para sa inyong magpatuloy ako, uuwi na lang po ako.”

35Sinabi ng anghel ng Panginoon kay Balaam, “Sasáma ka sa mga taong iyon, ngunit sabihin mo lang sa kanila ang mga sasabihin ko sa iyo.” Kaya sumáma si Balaam sa mga pinuno ni Balak.

36Nang malaman ni Balak na paparating si Balaam, sumalubong siya roon sa isang bayan ng Moab malapit sa Arnon, sa hangganan ng kanyang teritoryo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.