33Nakita ako ng iyong asno at umiwas siya sa akin ng tatlong beses. Kung hindi siya umiwas sa akin, pinatay na sana kita at pinabayaang mabuhay ang iyong asno.”
34Sinabi ni Balaam sa anghel ng Panginoon, “Nagkasala po ako! Hindi ko alam na nakatayo pala kayo diyan sa daan para harangan ako. Kung masama para sa inyong magpatuloy ako, uuwi na lang po ako.”
35Sinabi ng anghel ng Panginoon kay Balaam, “Sasáma ka sa mga taong iyon, ngunit sabihin mo lang sa kanila ang mga sasabihin ko sa iyo.” Kaya sumáma si Balaam sa mga pinuno ni Balak.
36Nang malaman ni Balak na paparating si Balaam, sumalubong siya roon sa isang bayan ng Moab malapit sa Arnon, sa hangganan ng kanyang teritoryo.
37Sinabi ni Balak kay Balaam, “Hindi baʼt dali-dali kitang ipinatawag? Bakit hindi ka kaagad nagpunta? Iniisip mo ba na hindi kita babayaran?”