9Mula sa itaas ng bundok, nakita ko sila. Nabubuhay sila nang sila lang, na nakabukod sa ibang mga bansa.
10Sino ba ang may kakayahang bilangin ang dami ng lahi ni Jacob? Napakarami nila na parang alikabok. Mamatay sana ako na tulad ng matuwid; ang wakas ng buhay koʼy gaya ng sa kanya.”
11Sinabi ni Balak kay Balaam, “Ano itong ginawa mo sa akin? Dinala kita rito para sumpain ang aking mga kaaway ngunit ang ginawa mo, binasbasan mo pa sila!”
12Sumagot si Balaam, “Kailangang sabihin ko ang sinabi ng Panginoon sa akin.”
13Pagkatapos, sinabi ni Balak sa kanya, “Sumama ka sa akin sa isa pang lugar na kung saan makikita mo ang iba pang mga mamamayan ng Israel, ngunit hindi ang lahat. At doon, sumpain mo sila.”