17“May nakita ako sa aking pangitain na hindi pa nangyayari. Sa hinaharap ay mamamahala ang isang hari sa Israel mula sa lahi ni Jacob. Ibabagsak niya ang mga Moabita at ang lahat ng lahi ni Set.
18Sasakupin niya ang Edom na kanyang kaaway, na tinatawag ding Seir, habang tumatatag ang Israel.
19Mamumuno ang isang pinuno sa Israel at ibabagsak niya ang mga natirang buháy sa lungsod ng Moab.”
20Pagkatapos, nakita ni Balaam sa kanyang pangitain ang mga Amalekita at sinabi niya: “Ang Amalek noon ang nangunguna sa mga bansa, ngunit sa huli, babagsak ito.”
21Pagkatapos, nakita na naman ni Balaam sa kanyang pangitain ang mga Cineo at sinabi niya, “Matatag ang inyong tinitirhan, dahil nakatayo ito sa mga bato