Mga Bilang 24

Inilabas sila ng Diyos sa Ehipto; para sa kanila, katulad siya ng isang malakas na toro. Lulupigin nila ang kanilang mga kaaway; tutuhugin sa tulis ng pana at dudurugin ang kanilang mga buto.

Numbers 24:8 (UKJV) God brought him forth out of Egypt; he has as it were the strength of an unicorn : he shall eat up the nations his enemies, and shall break their bones, and pierce them through with his arrows.

6Katulad ito ng mga nakahanay na palma, o ng mga tanim sa tabing-ilog. Katulad din ito ng puno ng aloe na itinanim ng Panginoon, o ng mga puno ng sedro sa tabi ng tubig.

7Umaapaw ang mga tubig sa kanilang mga lalagyan, at nagtatanim sila ng buto sa mga lupang sagana sa tubig. Ang kanilang hari ay magiging mas nakahihigit pa kaysa kay Agag na hari ng Amalekita, at ang kanilang kaharian ay magiging tanyag.

8Inilabas sila ng Diyos sa Ehipto; para sa kanila, katulad siya ng isang malakas na toro. Lulupigin nila ang kanilang mga kaaway; tutuhugin sa tulis ng pana at dudurugin ang kanilang mga buto.

9Katulad sila ng mga leon na kapag nakatulog na ay wala nang mangangahas pang gumising sa kanila. Pagpapalain ang mga nagpapala sa kanila at susumpain ang mga sumusumpa sa kanila.’ ”

10Dahil dito, naging matindi ang galit ni Balak kay Balaam. Isinuntok niya ang kanyang kamao sa kanyang palad at sinabi, “Ipinatawag kita para sumpain ang aking mga kaaway, ngunit binasbasan mo pa sila ng tatlong beses.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.