9at ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Itong sina Datan at Abiram ay ang mga pinuno ng kapulungan na sumáma kay Kora sa pagrerebelde sa Panginoon sa pamamagitan ng paglaban kina Moises at Aaron.
10Ngunit nilamon sila ng lupa kasama ni Kora, at nasunog ng apoy ang kanyang 250 tagasunod. At naging babala sa mga Israelita ang pangyayaring ito.
11Subalit hindi namatay ang mga anak ni Kora.
12Ang mga lipi ni Simeon ay ang mga sambahayang mula sa angkan ni Nemuel; sa angkan ni Jamin; sa angkan ni Jaquin;
13sa angkan ni Zera; at sa angkan ni Saul.