10Ngunit nilamon sila ng lupa kasama ni Kora, at nasunog ng apoy ang kanyang 250 tagasunod. At naging babala sa mga Israelita ang pangyayaring ito.
11Subalit hindi namatay ang mga anak ni Kora.
12Ang mga lipi ni Simeon ay ang mga sambahayang mula sa angkan ni Nemuel; sa angkan ni Jamin; sa angkan ni Jaquin;
13sa angkan ni Zera; at sa angkan ni Saul.
14Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Simeon; 22,200 silang lahat.