37Sila ang mga pamilya na nanggaling kay Efraim; 32,500 silang lahat. Ito ang mga pamilyang nanggaling kina Manase at Efraim na mga lahi ni Jose.
38Ang mga lipi ni Benjamin ay ang mga sambahayang mula sa angkan ni Bela; sa angkan ni Asbel; sa angkan ni Ahiram;
39sa angkan ni Shufam; at sa angkan ni Hufam.
40Ang mga angkan ni Bela ay ang mga pamilya nina Ard at ang pamilya ni Naaman.
41Sila ang mga pamilya na nanggaling kay Benjamin; 45,600 silang lahat.