50Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Neftali; 45,400 silang lahat.
51Kaya ang kabuuang bilang ng mga lalaking Israelitang nasensus ay 601,730.
52Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises,
53“Hati-hatiin mo sa kanila ang lupa bilang mana nila ayon sa dami ng bawat lahi.
54Ang malaking lahi, bigyan ng mas malaki at ang maliit na lahi bigyan ng maliit.