51Kaya ang kabuuang bilang ng mga lalaking Israelitang nasensus ay 601,730.
52Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises,
53“Hati-hatiin mo sa kanila ang lupa bilang mana nila ayon sa dami ng bawat lahi.
54Ang malaking lahi, bigyan ng mas malaki at ang maliit na lahi bigyan ng maliit.
55Ang lupain ay kailangang hatiin sa pamamagitan ng palabunutan para malaman kung aling bahagi ang makukuha ng malaki at maliit na angkan ayon sa sensus.”