59at ang asawa ni Amram ay si Jocebed na mula naman sa pamilya ng mga Levita. Ipinanganak si Jocebed sa Ehipto. Sina Amram at Jocebed ang mga magulang nina Aaron, Moises at Miriam.
60Si Aaron ang ama nina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
61Ngunit namatay sina Nadab at Abihu nang gumamit sila ng apoy na hindi dapat gamitin sa kanilang paghahandog sa Panginoon.
62Ang bilang ng mga lalaking Levita na may edad na isang buwan pataas ay 23,000. Hindi sila ibinilang sa kabuuang bilang ng mga Israelita dahil wala silang tinanggap sa lupaing minana ng mga Israelita.
63Ito ang lahat ng mga Israelitang sinensus ni Moises at ng paring si Eleazar doon sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico.