57Ito ang mga Levitang nabilang ayon sa kanilang mga angkan: kay Gerson, ang angkan ng Gersonita; kay Kohat, ang angkan ng Kohatita; kay Merari, ang angkan ng Merarita.
58Kabilang din sa mga Levita ang mga sumusunod: ang angkan ni Libni; ang angkan ni Hebron; ang angkan ni Mahli; ang angkan ni Mushi; at ang angkan ni Kora. Si Kohat ang panganay ni Amram;
59at ang asawa ni Amram ay si Jocebed na mula naman sa pamilya ng mga Levita. Ipinanganak si Jocebed sa Ehipto. Sina Amram at Jocebed ang mga magulang nina Aaron, Moises at Miriam.
60Si Aaron ang ama nina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
61Ngunit namatay sina Nadab at Abihu nang gumamit sila ng apoy na hindi dapat gamitin sa kanilang paghahandog sa Panginoon.