6sa angkan ni Hezron at sa angkan ni Carmi.
7Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Ruben; 43,730 silang lahat.
8Ang anak ni Falu ay si Eliab,
9at ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Itong sina Datan at Abiram ay ang mga pinuno ng kapulungan na sumáma kay Kora sa pagrerebelde sa Panginoon sa pamamagitan ng paglaban kina Moises at Aaron.
10Ngunit nilamon sila ng lupa kasama ni Kora, at nasunog ng apoy ang kanyang 250 tagasunod. At naging babala sa mga Israelita ang pangyayaring ito.