10At kung wala siyang kapatid na lalaki, ibigay ang kanyang lupa sa kapatid na lalaki ng kanyang ama.
11Kung walang kapatid na lalaki ang kanyang ama, ibigay ang kanyang lupa sa pinakamalapít niyang kamag-anak at ang kanyang kamag-anak ang magmamana ng lupa. Itoʼy susundin ng mga Israelita bilang isang legal na tuntuning dapat sundin, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.”
12Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Umakyat ka sa kabundukan ng Abarim at tingnan mo doon ang lupaing ibinigay ko sa mga Israelita.
13Pagkatapos mong makita ito, sasáma ka na sa piling ng mga yumao mong ninuno, tulad ng kapatid mong si Aaron.
14Dahil noong nagrebelde ang mga Israelita sa akin doon sa bukal ng ilang ng Zin, sinuway ninyo ni Aaron ang aking utos na ipakita ang aking kabanalan sa mga mamamayan.” (Ang bukal na ito ay ang Meriba na nasa Kades sa ilang ng Zin.)