7“Tama ang sinabi ng mga anak na babae ni Zelofehad. Kailangang bigyan mo sila ng lupa kasama ng mga kamag-anak ng kanilang ama. Ibigay sa kanila ang lupa na dapat sana ay sa kanilang ama.
8“At sabihin mo sa mga Israelita na kung mamatay ang isang tao na hindi nagkaanak ng lalaki, kailangang ibigay sa kanyang anak na babae ang kanyang lupa.
9At kung wala siyang anak na babae, ibigay sa kanyang kapatid na lalaki.
10At kung wala siyang kapatid na lalaki, ibigay ang kanyang lupa sa kapatid na lalaki ng kanyang ama.
11Kung walang kapatid na lalaki ang kanyang ama, ibigay ang kanyang lupa sa pinakamalapít niyang kamag-anak at ang kanyang kamag-anak ang magmamana ng lupa. Itoʼy susundin ng mga Israelita bilang isang legal na tuntuning dapat sundin, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.”