16“Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Paglampas ng Anghel ng Panginoon sa ikalabing-apat na araw ng unang buwan.
17Bukas magsisimula ang pitong araw na pista. At sa loob ng pitong araw, huwag kayong kakain ng tinapay na may pampaalsa.
18Sa unang araw ng pista, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo upang sumamba sa Panginoon.
19Maghandog kayo sa Panginoon ng handog na sinusunog na dalawang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang lalaking tupa na isang taóng gulang. Kailangan na walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
20At sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis, tatlong kilo sa bawat toro, dalawang kilo sa lalaking tupa