Mga Bilang 28

At sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis, tatlong kilo sa bawat toro, dalawang kilo sa lalaking tupa

Numbers 28:20 (UKJV) And their food offering shall be of flour mingled with oil: three tenth deals shall all of you offer for a bullock, and two tenth deals for a ram;

18Sa unang araw ng pista, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo upang sumamba sa Panginoon.

19Maghandog kayo sa Panginoon ng handog na sinusunog na dalawang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang lalaking tupa na isang taóng gulang. Kailangan na walang kapintasan ang lahat ng mga ito.

20At sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis, tatlong kilo sa bawat toro, dalawang kilo sa lalaking tupa

21at isang kilo sa bawat batang tupa.

22Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan upang mapatawad ang inyong mga kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.