Mga Bilang 3

Ang kanilang pinuno ay si Zuriel na anak ni Abihail. Nasa bandang hilaga ng Toldang Sambahan ang lugar na kanilang pinagkakampohan.

Numbers 3:35 (UKJV) And the chief of the house of the father of the families of Merari was Zuriel the son of Abihail: these shall pitch on the side of the tabernacle northward.

33Ang mga angkan ni Merari ay ang mga pamilya na nanggaling kina Mahli at Mushi.

34Ang bilang nila mula isang buwang gulang pataas ay 6,200.

35Ang kanilang pinuno ay si Zuriel na anak ni Abihail. Nasa bandang hilaga ng Toldang Sambahan ang lugar na kanilang pinagkakampohan.

36Sila ang naatasang mag-asikaso ng mga balangkas ng Tolda, ng mga biga nito, ng mga haligi at mga pundasyon. Sila ang naatasan sa lahat ng mga gawaing may kinalaman sa mga kagamitang ito.

37Inatasan din silang pangalagaan ang mga haligi na pinagkakabitan ng mga kurtina ng bakuran na nakapalibot sa Tolda pati ang mga pundasyon, mga tulos at mga tali.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.