Mga Bilang 3

At ibigay mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki ang natipong perang pantubos sa sumobrang mga panganay na lalaki ng mga Israelita.”

Numbers 3:48 (UKJV) And you shall give the money, wherewith the odd number of them is to be redeemed, unto Aaron and to his sons.

46Dahil sumobra ng 273 ang mga panganay na lalaki ng mga Israelita kaysa sa mga Levita, kailangan mong tubusin itong mga sumobra.

47Kaya kukuha ka ng limang pirasong pilak para sa bawat isa ayon sa pamantayan ng Tabernakulo. (Ang timbang ng isang pirasong pilak ay 12 gramo.)

48At ibigay mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki ang natipong perang pantubos sa sumobrang mga panganay na lalaki ng mga Israelita.”

49Kaya kinolekta ni Moises ang pera na ipinangtubos sa mga panganay na anak ng mga Israelita na labis sa bilang ng mga Levita.

50Ang kanyang nakolekta ay 1,365 pirasong pilak, ayon sa timbang ng pilak sa timbangan na ginagamit ng mga pari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.