Mga Bilang 3

Dahil sumobra ng 273 ang mga panganay na lalaki ng mga Israelita kaysa sa mga Levita, kailangan mong tubusin itong mga sumobra.

Numbers 3:46 (UKJV) And for those that are to be redeemed of the two hundred and threescore and thirteen of the firstborn of the children of Israel, which are more than the Levites;

44Sinabi pa ng Panginoon kay Moises,

45“Italaga ang mga Levita sa akin kapalit ng mga panganay na lalaki ng mga Israelita. Ihandog din sa akin ang mga hayop ng mga Levita kapalit ng mga panganay na hayop ng mga Israelita. Akin ang mga Levita. Ako ang Panginoon.

46Dahil sumobra ng 273 ang mga panganay na lalaki ng mga Israelita kaysa sa mga Levita, kailangan mong tubusin itong mga sumobra.

47Kaya kukuha ka ng limang pirasong pilak para sa bawat isa ayon sa pamantayan ng Tabernakulo. (Ang timbang ng isang pirasong pilak ay 12 gramo.)

48At ibigay mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki ang natipong perang pantubos sa sumobrang mga panganay na lalaki ng mga Israelita.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.