43Ang kabuuang bilang ng lahat ng panganay na lalaki na may edad na isang buwan pataas ay 22,273.
44Sinabi pa ng Panginoon kay Moises,
45“Italaga ang mga Levita sa akin kapalit ng mga panganay na lalaki ng mga Israelita. Ihandog din sa akin ang mga hayop ng mga Levita kapalit ng mga panganay na hayop ng mga Israelita. Akin ang mga Levita. Ako ang Panginoon.
46Dahil sumobra ng 273 ang mga panganay na lalaki ng mga Israelita kaysa sa mga Levita, kailangan mong tubusin itong mga sumobra.
47Kaya kukuha ka ng limang pirasong pilak para sa bawat isa ayon sa pamantayan ng Tabernakulo. (Ang timbang ng isang pirasong pilak ay 12 gramo.)