Mga Bilang 3

Maglilingkod sila kay Aaron at sa mga mamamayan ng Israel sa pamamagitan ng pag-aasikaso ng mga gawain sa Toldang Sambahan, na tinatawag ding Toldang Tipanan.

Numbers 3:7 (UKJV) And they shall keep his charge, and the charge of the whole congregation before the tabernacle of the congregation, to do the service of the tabernacle.

5Sinabi ng Panginoon kay Moises,

6“Ipatawag mo ang lahi ni Levi at dalhin sila sa paring si Aaron para tumulong sa kanya.

7Maglilingkod sila kay Aaron at sa mga mamamayan ng Israel sa pamamagitan ng pag-aasikaso ng mga gawain sa Toldang Sambahan, na tinatawag ding Toldang Tipanan.

8Sila rin ang mangangalaga ng lahat ng kagamitan ng Toldang Tipanan, at maglilingkod sa Toldang iyon para sa mga Israelita.

9Itatalaga ang mga Levita para kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki. Sila ang inilaan mula sa mga mamamayan ng Israel na magsilbi at tumulong sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.