Mga Bilang 31

Sinalubong sila nina Moises, Eleazar na pari at ng mga pinuno ng mga mamamayan ng Israel sa labas ng kampo.

Numbers 31:13 (UKJV) And Moses, and Eleazar the priest, and all the princes of the congregation, went forth to meet them without the camp.

11Dinala nila ang kanilang mga sinamsam, maging tao o hayop man,

12kina Moises at Eleazar na pari at sa mga mamamayan ng Israel doon sa kanilang kampo sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico.

13Sinalubong sila nina Moises, Eleazar na pari at ng mga pinuno ng mga mamamayan ng Israel sa labas ng kampo.

14Nagalit si Moises sa mga opisyal ng mga sundalo na nanggaling sa digmaan.

15Sinabi ni Moises sa kanila, “Bakit hindi ninyo pinatay ang mga babae?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.