10Sinunog nila ang lahat ng bayan pati ang lahat ng kampo ng mga Midianita.
11Dinala nila ang kanilang mga sinamsam, maging tao o hayop man,
12kina Moises at Eleazar na pari at sa mga mamamayan ng Israel doon sa kanilang kampo sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico.
13Sinalubong sila nina Moises, Eleazar na pari at ng mga pinuno ng mga mamamayan ng Israel sa labas ng kampo.
14Nagalit si Moises sa mga opisyal ng mga sundalo na nanggaling sa digmaan.