1Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2“Gantihan mo ang mga Midianita dahil sa kanilang ginawa sa mga Israelita. Pagkatapos mo itong gawin, mamamahinga ka na sa piling ng mga yumao mong ninuno.”
3Kaya sinabi ni Moises sa mga tao, “Maghanda ang ilan sa inyo sa pakikipaglaban sa mga Midianita upang maipatupad ang paghihiganti ng Panginoon.
4Magpadala ang bawat lahi ng Israel ng isanlibong tao sa labanan.”