Mga Bilang 31

Kaya sinabi ni Moises sa mga tao, “Maghanda ang ilan sa inyo sa pakikipaglaban sa mga Midianita upang maipatupad ang paghihiganti ng Panginoon.

Numbers 31:3 (UKJV) And Moses spoke unto the people, saying, Arm some of yourselves unto the war, and let them go against the Midianites, and avenge the LORD of Midian.

1Sinabi ng Panginoon kay Moises,

2“Gantihan mo ang mga Midianita dahil sa kanilang ginawa sa mga Israelita. Pagkatapos mo itong gawin, mamamahinga ka na sa piling ng mga yumao mong ninuno.”

3Kaya sinabi ni Moises sa mga tao, “Maghanda ang ilan sa inyo sa pakikipaglaban sa mga Midianita upang maipatupad ang paghihiganti ng Panginoon.

4Magpadala ang bawat lahi ng Israel ng isanlibong tao sa labanan.”

5Kaya labindalawang libong kalalakihan mula sa labindalawang lahi ng Israel ang naghanda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.