3Kaya sinabi ni Moises sa mga tao, “Maghanda ang ilan sa inyo sa pakikipaglaban sa mga Midianita upang maipatupad ang paghihiganti ng Panginoon.
4Magpadala ang bawat lahi ng Israel ng isanlibong tao sa labanan.”
5Kaya labindalawang libong kalalakihan mula sa labindalawang lahi ng Israel ang naghanda.
6Ipinadala sila ni Moises sa labanan, isang libo mula sa bawat lahi. Pinamumunuan sila ni Finehas na anak ng paring si Eleazar, dala-dala ang ilang kagamitan mula sa santuwaryo at ang mga trumpetang para sa paghudyat.
7Nakipaglaban sila sa mga Midianita, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises at pinatay nila ang lahat ng lalaki.