Mga Bilang 31

Ipinadala sila ni Moises sa labanan, isang libo mula sa bawat lahi. Pinamumunuan sila ni Finehas na anak ng paring si Eleazar, dala-dala ang ilang kagamitan mula sa santuwaryo at ang mga trumpetang para sa paghudyat.

Numbers 31:6 (UKJV) And Moses sent them to the war, a thousand of every tribe, them and Phinehas the son of Eleazar the priest, to the war, with the holy instruments, and the trumpets to blow in his hand.

4Magpadala ang bawat lahi ng Israel ng isanlibong tao sa labanan.”

5Kaya labindalawang libong kalalakihan mula sa labindalawang lahi ng Israel ang naghanda.

6Ipinadala sila ni Moises sa labanan, isang libo mula sa bawat lahi. Pinamumunuan sila ni Finehas na anak ng paring si Eleazar, dala-dala ang ilang kagamitan mula sa santuwaryo at ang mga trumpetang para sa paghudyat.

7Nakipaglaban sila sa mga Midianita, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises at pinatay nila ang lahat ng lalaki.

8Kasama sa pinatay nila ang limang hari ng Midian na sina Evi, Requem, Zur, Hur at Reba. Pinatay din nila si Balaam na anak ni Beor sa pamamagitan ng espada.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.