26“Bilangin ninyo ni Eleazar na pari at ng mga pinuno ng kapulungan ang lahat ng tao at hayop na nabihag.
27Hatiin ninyo ito sa mga sundalo na nakipaglaban at sa kapulungan ng Israel.
28Mula sa bahagi ng mga sundalo, magbukod ka ng para sa Panginoon, isa sa bawat 500 bihag, tao man o baka, asno, tupa, o kambing.
29Ibigay mo ito sa paring si Eleazar bilang bahagi ng Panginoon.
30Mula sa parte ng mga Israelita, magbukod ka ng isa sa bawat limampung bihag, tao man o baka, asno, tupa, kambing o iba pang mga hayop. Ibigay ito sa mga Levita na siyang responsable sa pangangalaga sa Tolda ng Panginoon.”