28Mula sa bahagi ng mga sundalo, magbukod ka ng para sa Panginoon, isa sa bawat 500 bihag, tao man o baka, asno, tupa, o kambing.
29Ibigay mo ito sa paring si Eleazar bilang bahagi ng Panginoon.
30Mula sa parte ng mga Israelita, magbukod ka ng isa sa bawat limampung bihag, tao man o baka, asno, tupa, kambing o iba pang mga hayop. Ibigay ito sa mga Levita na siyang responsable sa pangangalaga sa Tolda ng Panginoon.”
31Kaya ginawa ni Moises at ng paring si Eleazar ang iniutos ng Panginoon kay Moises.
32Ito ang nasamsam ng mga sundalo sa digmaan: 675,000 tupa,