50Kaya inihahandog namin sa Panginoon ang gintong mga bagay na aming nakuha sa labanan – pulseras sa braso at kamay, mga singsing, mga hikaw at mga kuwintas, para hindi kami parusahan ng Panginoon.”
51Tinanggap nina Moises at ng paring si Eleazar ang lahat ng alahas na ginto.
52Ang bigat ng mga gintong ito na dinala ng mga opisyal ng mga sundalo na inihandog ni Moises at ni Eleazar sa Panginoon ay dalawandaang kilo.
53Itoʼy mula sa mga nasamsam ng bawat sundalo sa labanan.
54Ang mga gintong alahas na tinanggap nina Moises at Eleazar mula sa mga opisyal ng libu-libo at daan-daang sundalo ay dinala nila ito sa Toldang Tipanan para alalahanin ng Panginoon ang mga Israelita.