48Mula sa mga bundok ng Abarim, nagkampo sila sa mga kapatagan ng Moab na kaharap ng Jerico.
49Nagkampo sila roon sa tabi ng Jordan mula sa Bet-jeshimot hanggang sa Abel-sitim na sakop pa rin ng kapatagan ng Moab.
50At habang nagkakampo sila roon sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico, sinabi ng Panginoon kay Moises,
51“Sabihin mo sa mga Israelita na kung tatawid sila sa Ilog Jordan papunta sa Canaan,
52palayasin nila ang lahat ng naninirahan doon at gibain ang lahat ng diyos-diyosan nila na gawa sa mga bato at metal, at ang lahat ng kanilang sambahang nasa matataas na lugar.