Mga Bilang 33

palayasin nila ang lahat ng naninirahan doon at gibain ang lahat ng diyos-diyosan nila na gawa sa mga bato at metal, at ang lahat ng kanilang sambahang nasa matataas na lugar.

Numbers 33:52 (UKJV) Then all of you shall drive out all the inhabitants of the land from before you, and destroy all their pictures, and destroy all their molten images, and quite pluck down all their high places:

50At habang nagkakampo sila roon sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico, sinabi ng Panginoon kay Moises,

51“Sabihin mo sa mga Israelita na kung tatawid sila sa Ilog Jordan papunta sa Canaan,

52palayasin nila ang lahat ng naninirahan doon at gibain ang lahat ng diyos-diyosan nila na gawa sa mga bato at metal, at ang lahat ng kanilang sambahang nasa matataas na lugar.

53Sasakupin ninyo ang mga lupaing iyon at doon kayo titira dahil ibinibigay ko ito sa inyo.

54Partihin ninyo ang lupa sa pamamagitan ng palabunutan ayon sa dami ng bawat lahi. Ang lahi na may maraming bilang ay partihan ninyo ng malaki, at ang lahi na may kakaunting bilang ay partihan ninyo ng maliit. Kung ano ang mabunot nila, iyon na ang kanilang parte. Sa pamamagitan nito, mahahati ang lupa sa bawat lahi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.