14Dahil ang lahi nina Ruben, Gad, at ng kalahating lahi ni Manases ay nakatanggap na ng kanilang mana sa bandang silangan ng Jordan malapit sa Jerico.”
16Sinabi ng Panginoon kay Moises,
17“Sina Eleazar na pari at Josue na anak ni Nun ang maghahati-hati ng lupain para sa mga tao.
18At pumili ka ng isang pinuno sa bawat lahi para tulungan sila sa paghahati ng lupain.”