Mga Bilang 34

“Ang hangganan sa timog ay ang ilang ng Zin sa may hangganan ng Edom. Magsisimula ito sa katimugang bahagi ng Dagat na Patay.

Numbers 34:3 (UKJV) Then your south quarter shall be from the wilderness of Zin along by the coast of Edom, and your south border shall be the utmost coast of the salt sea eastward:

1Sinabi ng Panginoon kay Moises,

2“Sabihin mo sa mga Israelita na kung papasok na sila sa Canaan, ito ang mga hangganan ng lupain na kanilang mamanahin:

3“Ang hangganan sa timog ay ang ilang ng Zin sa may hangganan ng Edom. Magsisimula ito sa katimugang bahagi ng Dagat na Patay.

4At liliko ito patimog papunta sa Daang Paahon ng Akrabim, hanggang sa ilang ng Zin, at magpapatuloy sa timog ng Kades-barnea. Pagkatapos, tutuloy ito sa Hazar Adar hanggang sa Azmon,

5at liliko papunta sa Lambak ng Ehipto at magtatapos sa Dagat ng Mediteraneo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.