Mga Bilang 34

At liliko ito patimog papunta sa Daang Paahon ng Akrabim, hanggang sa ilang ng Zin, at magpapatuloy sa timog ng Kades-barnea. Pagkatapos, tutuloy ito sa Hazar Adar hanggang sa Azmon,

Numbers 34:4 (UKJV) And your border shall turn from the south to the ascent of Akrabbim, and pass on to Zin: and the going forth thereof shall be from the south to Kadeshbarnea, and shall go on to Hazaraddar, and pass on to Azmon:

2“Sabihin mo sa mga Israelita na kung papasok na sila sa Canaan, ito ang mga hangganan ng lupain na kanilang mamanahin:

3“Ang hangganan sa timog ay ang ilang ng Zin sa may hangganan ng Edom. Magsisimula ito sa katimugang bahagi ng Dagat na Patay.

4At liliko ito patimog papunta sa Daang Paahon ng Akrabim, hanggang sa ilang ng Zin, at magpapatuloy sa timog ng Kades-barnea. Pagkatapos, tutuloy ito sa Hazar Adar hanggang sa Azmon,

5at liliko papunta sa Lambak ng Ehipto at magtatapos sa Dagat ng Mediteraneo.

6“Ang hangganan sa kanluran ay ang Dagat ng Mediteraneo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.