Mga Bilang 35

“Ang sinumang pumatay sa kanyang kapwa ay kailangang patayin, ngunit kailangang may mga saksi na magpapatotoo na siyaʼy nakapatay. Kung isang saksi lang ang magpapatotoo, hindi papatayin ang nasabing tao.

Numbers 35:30 (UKJV) Whoso kills any person, the murderer shall be put to death by the mouth of witnesses: but one witness shall not testify against any person to cause him to die.

28Kaya dapat na magpaiwan ang taong nakapatay sa lungsod na tanggulan hanggang hindi pa namamatay ang punong pari, at pagkatapos ay makakauwi na siya sa kanila.

29“Ito ang mga tuntuning dapat ninyong sundin hanggang sa susunod pang mga henerasyon, kahit saan kayo manirahan.

30“Ang sinumang pumatay sa kanyang kapwa ay kailangang patayin, ngunit kailangang may mga saksi na magpapatotoo na siyaʼy nakapatay. Kung isang saksi lang ang magpapatotoo, hindi papatayin ang nasabing tao.

31“Huwag kayong tatanggap ng bayad para sa buhay ng isang kriminal. Kailangang patayin siya.

32“Huwag din kayong tatanggap ng bayad para sa buhay ng taong tumakas sa lungsod na tanggulan upang makabalik siya sa kanyang lugar bago mamatay ang punong pari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.