Mga Bilang 35

“Bigyan din ninyo ang mga Levita ng anim na bayan na magiging lungsod na tanggulan, kung saan makakatakas papunta roon ang taong makakapatay nang hindi sinasadya. Hindi ito kasama sa apatnapuʼt dalawang bayan na inyong ibibigay sa kanila.

Numbers 35:6 (UKJV) And among the cities which all of you shall give unto the Levites there shall be six cities for refuge, which all of you shall appoint for the murderer, that he may flee thither: and to them all of you shall add forty and two cities.

4“Ang agwat ng pastulang inyong ibibigay sa palibot ng kanilang bayan ay mga 450 metro mula sa pader ng kanilang mga bayan.

5Pagkatapos, sumukat kayo ng 900 metro sa bawat direksyon ng bayan – sa silangan, sa timog, sa kanluran at sa hilaga – kaya nasa gitna ang bayan nito. Ito ang pastulan para sa mas malalaking bayan.

6“Bigyan din ninyo ang mga Levita ng anim na bayan na magiging lungsod na tanggulan, kung saan makakatakas papunta roon ang taong makakapatay nang hindi sinasadya. Hindi ito kasama sa apatnapuʼt dalawang bayan na inyong ibibigay sa kanila.

7Kaya apatnapuʼt walong lahat ang mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita kasama ang kanilang mga pastulan.

8Ang mga bayang ibibigay sa mga Levita ay manggagaling sa mga lupain ng mga lahi ng Israel. Ang lahi na may maraming parte ay magbibigay ng maraming bayan at ang lahi na may kaunting parte ay magbibigay ng kaunti.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.