6“Bigyan din ninyo ang mga Levita ng anim na bayan na magiging lungsod na tanggulan, kung saan makakatakas papunta roon ang taong makakapatay nang hindi sinasadya. Hindi ito kasama sa apatnapuʼt dalawang bayan na inyong ibibigay sa kanila.
7Kaya apatnapuʼt walong lahat ang mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita kasama ang kanilang mga pastulan.
8Ang mga bayang ibibigay sa mga Levita ay manggagaling sa mga lupain ng mga lahi ng Israel. Ang lahi na may maraming parte ay magbibigay ng maraming bayan at ang lahi na may kaunting parte ay magbibigay ng kaunti.”
9Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises,
10“Sabihin mo sa mga Israelita na kapag tumawid na sila sa Jordan papunta sa Canaan,